http://www.makepovertyhistory.org the shadow laboratory: Dora the Rat Killer


Saturday, March 25, 2006

Dora the Rat Killer

(parang may kulang... bakit kaya?)

Kelan pa naging batang espanyol si Dora? Yan ang tanong ko dati. Dora the Explorer... ahhh. Pero ang alam ko lang talagang Dora ay yung pamatay sa daga. Pangalan pa lang pamatay na. Dora. Dora dora dora dora dora. Ewan ko ba kung bakit ko naisip ang Dora Rat Killer para sa final campaign presentation namin sa Copywriting and Art Direction Class under Sir Third.

Masarap pag-isipan ung ad campaign, ang problema, hindi naging campaign ung amin, kahit na trip namin ang ideas (see print ad above), hindi masyadong thematic... un ang naging problema namin nung partner ko. Pero masaya dahil makulit, makulit isipin, masaya magshoot at mag-edit. Mahirap, pero masarap at masaya talaga gumawa ng ads. Gusto ko talaga makapasok sa isang creative na agency. Hindi biro mag-isip para maibenta ang mga produkto. hindi biro magpapansin sa mga maaarteng manonood sa loob lang ng ilang segundo para makumbinsi mo sila na sang-ayunan ka at mahikayat gumalaw nang ayon sa gusto ng inyong organisasyon. isipin mo, paano ka manliligaw o magpapansin man lang sa crush mo sa loob lang ng 30 seconds at sabihin mo na gusto mo sya, isipin mo na mas mahirap kung kelangan mo pang magpakilala dahil "new product" ka, maliban na lang kung kilala ka na nya at good shot ka kaso torpe ka, kaya kahit papaano meron ka nang "brand recognition."

minsan, sa sobrang hirap mag-isip, gusto mo na lang humiga at matulog, maglaro, manood ng sine at kung ano man. masama pinipilit, pangit ang lalabas. maganda merong mild panic. ayon nga sa narinig ko, "mild panic is the mother of invention." crammer ako, pero hindi sobra na wala nang oras maghanda. gusto ko pressured ako at my own convenience, yung tipong sarili ko ang nagbibigay ng pressure at hindi ibang tao. mahirap pag sobra ang pressure, nakakabaliw, samahan mo pa ng puyat at gutom, sakit na sa ulo, sakit pa sa katawan, parang gusto mo nang humimlay. kaya dapat may warning ang Dora Rat Killer na "Keep out of reach of Stressed People" at hindi lang "Keep out of reach of children." Mahirap na pag pumapak sila ng Dora... "dragon kung umusowk, dragon kung tumeypowk." Patay ang mga peste. Nakakapeste pa naman ang stress sabayan mo pa ng mga taong stressed... peste talaga. Dora... bow.

5 Comments:

Blogger cynic-skeptic said...

isang Bob Ong inspired writing ba?

mabuhay ka!

10:04 PM

 
Blogger yomz said...

to prend:

nope. iba talaga iniisip ko nung isulat ko ito, gusto ko lang mawala ung momentum nung hard-hitting entries ko. next week na ulit ung mabigat.

pero pansin ko lang na influenced na ako ng writing nya, kahit hindi inspired, lumalabas ung influence sa pagsulat... ahehehe

2:09 AM

 
Blogger yomz said...

to pat:

aba, dalawang pat na nagcocomment sa blog ko. hehe. artistic license na lang... hihingi na lang ako ng autograph sa kanya. ahehe

1:36 PM

 
Blogger cynic-skeptic said...

hehehehe. ako tinatamad pa ring gumawa ng hard-hitting entries. kawawa kasi 'yung mga tatamaan eh sobrang bait ko pa naman hehehehe.

on the other hand, iba talaga ang influence ng mga writers sa pag-iisip natin. not just writers, basta anything that we stumble upon.

dora? what a lame kid show. antagal ng lag kapag nagtatanong. kainis. pakainin ko ng dora 'yung mga producers nun eh. hehehe.

7:01 PM

 
Blogger yomz said...

to prend:

tama! sabi nga ng parokya ni edgar, lahat ng nasa paligid influnce. we just need to observe. learn. and think.

gagawa cguro ako ng dora the rat killer morbid cartoon

8:22 PM

 

Post a Comment

<< Home