Manananggal sa EDSA
Naalala ko sa libro ni Bob Ong na Stainless Longganisa ang kanyang pagkamangha sa mga manananggal at sa digestive system nito. Malaking misteryo sa kanya kung paano dinidigest ng mga manananggal ang mga biktima nito sa kadahilanang ang kanyang mga bituka ay nasa naiwang bahagi ng kanyang katawan. Naalala ko ang manananggal nang makita ang mga pangyayari sa bansa natin ngayon.
Ang Pilipinas ay parang manananggal. Kung hindi mo alam ang manananggal, kawawa ka naman, hindi ko na problema yan. Ang dami na ngang problema ng bansa, wag ka na dumagdag. Balik tayo sa problema ng Pilipinas. Dapat ipinagdiriwang nung sabado ang kaisa-isang EDSA Revolution na hindi na mauulit muli. Kahit anong gaya, iba pa rin ang orig. Parang first love, first kiss, first salary... iba ang ligaya, iba ang epekto. Ngayon, walang dapat ipagdiwang. Magiging hipokrito ako kung hindi ko ipagbubunyi ang paborito kong anunsyo na "Walang Pasok," pero maliban doon at sa masarap na pagkain, walang dapat ikasaya. Problema ang kinahaharap ng gobyerno, marahil sila ang ugat, o sila mismo ang problema, sila na ang nakakaalam, malalaki na sila.
Bakit ko sinabing parang manananggal ang Pilipinas? Sa isang simpleng kadahilanan - ang Pilipinas ay hati. Nakahiwalay ang ulo sa ibabang bahagi ng katawan. Hiwalay ang ulo o mga pinuno at mga nasa kaitaas-taasan sa mga taong nasa ibaba. Hiwalay ang gobyerno, hiwalay ang militar, hiwalay ang simbahan, hiwalay ang karaniwang tao. Hindi mo alam kung sino ang humiwalay pero alam mong may humilay, may nang-iwan, at may naiwan. Habang lumilipad at aktibo ang ulo at "upper torso," nasa baba naman ang "lower limbs" at nakatanga, naghihintay ng muling pagbabalik ni "upper torso."
Bakit iba ang EDSA 1? Dahil ang mga tao dati ay iisa, hindi hiwalay. Marahil hiwalay dahil may oposisyon at ibang loyalista, pero nagkaisa din ang lahat para sa kapayapaan at kaginhawaan ng bansa. Sundalo, politiko, simbahan, mga tao -- nagkaisa at nagsama-sama. Sa madaling salita, for the common good. Ngayon, hindi ko maintindihan ang mga balita. Ano na ang nangyari sa bansa natin?
Kung ihahalintulad sa manananggal, dati ang Pilipinas ay nasa liwanag, isang magandang dalaga na buo ang katawan, kahali-halina sa mga manliligaw aka foreign investors at turista. Pero sa kasamaang palad, sa pagsapit ng dilim, dumating ang mga madidilim na araw ng Pilipinas... nilagyan ng langis ang baywang, at unti-unting nahati ang katawan at lumabas ang maiitim na pakpak. Lumabas ang kasamaan ng mga tao, ng mga Pilipino. Naging masama at pangit manananggal ang dating mahinhin at kaakit-akit na dalagang itago nating sa pangalang Pilipinas. Habang lumilipad ang ulo at itaas na bahagi ng katawan at naghahasik ng lagim sa paligid, ang ibabang bahagi (lower limbs) naman ay binubudburan na ng asin at bawang. Habang ang nasa taas ay lalong tumataas at nagpapakabusog, ang nasa baba naman ay natatapakan, nasasaktan, at iniwan. Kung hindi magsasama ang taas at baba ng manananggal upang magbalik sa anyo ng isang karaniwang tao bago magbukang-liwayway, pareho lang silang masasawi. Habang hiwalay ang mga manananggal, kahit mukhang silang makapangyarihan, talo pa rin sila sa bawang ng kahirapan at asin ng kasakiman, na syang papatay sa kanila. Habang hiwalay ang Pilipinas, walang panalo. Hindi pa huli para sa Pilipinas na mag-volt-in at ilabas ang taglay na kabutihan at kagandahan. Hope things turn out well...
22 Comments:
sad.sad.sad.
what a sad situation we are in.
sayang ung 20th anniversary ng Edsa1. naovershadow ng kaguluhan.
nakakaawa ang pilipinas. minsan lng makatikim ng kaunting ginhawa...nabawi agad.
ang laki ng pagbaba ng piso nung friday ah! tsk tsk
11:06 PM
haaay... we know we cant just stand apathetically on things around us. hope we make a voice and stop all this turmoil. sana matauhan hindi lang ung mga makapangyarihang iilan kundi sa nag-ipon-ipong kapangyarihan ng marami.
wag naman sanang lumagapak ang pilipinas.
gaya ng sinabi ko sa comment ko sa blog mo: how would you like Philippines to improve? choose only two: Political, Educational, Economic...
11:17 PM
i'll be specific, then will slowly generalize.
when nene pimentel relinquished his post as Senate President, i admired him for his courage. but when he started to criticize the incumbent after guingona was named veepee, now i despise him just like i despise backstabbers.
now, all these noise makers, kahit sinong mamuno ingay ng ingay. binay? hudlum shebang. humahakot ng mga squatter sa malabon yan eh (according to a witness). jinggoy? jv? erap's cohorts? para sa mahirap? oh c'mon. pagkatapos makipagkamay sa mga taga-tondo yan eh pagpasok sa suv nila eh todo disinfect ng formalin!
almost all politicians came from well-to-do families, what do they know about poverty?
THERE IS NO CRITICAL MASS TO HAVE ANOTHER EDSA. sawa na ang mga tao sa EDSA.
11:46 PM
if i may quote... sabi nga ni Bob Ong sa Chapter 8, page 141 ng Stainless Longanisa:
"Sa ngayon, nangyari na lahat ng mga ipinag-aalala ko. Nagkaroon na ng EDSA Tres. EDSA 3.25. EDSA 3.67. EDSA 3.902. EDSA (almost) 4. At EDSA Pffft! Hati ang simbahan. hati ang senado. hati ang congreso. hati ang mga tao. biktima tayo ng mga natapakang kayabangan ng mga politiko noon. biktima tayo ng mga natapakang kayabangan ng mga politiko ngayon. biktima tayo ng pambansang kamangmangan na pinakikinabangan ng iilan."
Bong Ong said it well.
11:51 PM
mahirap ang tanong mo tim.. mahirap ang politics and education kasi mukhang brain drain ang resulta nyan dahil pangit ang ekonomiya ng bansa. nde naman pwedeng education and economic kasi kung magulo ang pulitika, gugulo ang ekonomiya. mahirap tlga...
11:56 PM
Ang galing ni bob ong. idolo.
11:58 PM
to sam:
mali nga ung tanong eh. wala akong maisip. pero parang yan ung analogy na you have to sacrifice something to get other things. tipong, hindi mo makukuha lahat.
we may have good politics and economic ties pero pagdating sa educ brain drain naman tayo or taken for granted na ang educ. pwede rin na puro educated na ang Pinoy at lahat ay nabubuhay ng maayos pero lahat ay nagiging sakim kaya ang politics problema. or pwede ring gumanda ang political ties at education ng mga Pilipino, pero lahat naghihirap dahil sa idealismo ng lahat, pero usually naman susunod ang economics magimprove kung ang dalawang aspect na yan magomprove din
12:02 AM
kung natawa ka sa ibang libro ni bob ong. maiinspire ka sa stainless longganisa, kahit na maraming hirit, mas seryoso ito sa tingin ko
12:04 AM
tumpak!
para sa akin mas mabuti pang maging miyembro ng ehekutibo at lehislatura ang mga metro aide, driver (lahat ng uri ng sasakyan), vendors (lahat ng uri ng maaaring ibenta), saleslady, guwardiya, for short, ang karaniwang mamamayan.
here in the Philippines, only those with the money are capable of running (and winning, for sure) the farce that is called a democratic exercise of suffrage (is this sentence correct anyway?).
sa ganitong mga sitwasyon maihahalintulad ko ito sa pagsisi sa ulan sa trahedyang naganap sa Leyte. ulan at ulan lamang, wala ng iba.
sa stampede sa ULTRA, presidente ang may kasalanan. sa maling imprenta ng pera, presidente ang may kasalanan. si Hesukristo ba siya para akuin lahat ng kasalanan ng mamamayan ng Pilipinas?
ang problema sa pulitiko (at ibang mga mayayabang na aktibista), puro dada, walang gawa. palibhasa walang trabaho, tamad magtrabaho, o kaya naman tinatamad maghanap ng trabaho. on time ba naman sila pumasok? worse, pumapasok ba sila?
magtatag kaya tayo ng isang kampanya sa mga dada ng dada wala namang ginagawa? donate 25 cents, pambili ng kausap.
12:08 AM
hindi ba kayo nagsasawa?
sawang-sawa na ako sa paikot ikot na bangayan ng mga pulitiko. minsan nakakawalang gana na. turuan ng turuan. tim, baka tama nga si sir chito. baka internal marketing ang solution sa problema ng mga pulitiko. pero bago un kelangan muna ayusin ang utak nila. i-reprogram or something. o kaya baguhin ang mga taong nakaupo. e1 basta ang hirap mag-isip.
12:15 AM
syempre hindi naman natin sinasabing lahat ng pulitiko masama, babalik tayo sa generalizing is generally lying na argument natin. baka sabihing masyado tayong biased against them, pero what else is to say? pagkatapos natin sila makita sa likod at harap ng TV, sa mga panayam, sa mga talk show... makikita mo na ang tunay sa hindi... sa mga public servants at ang mga private servants.
tama nga. blame game talaga ang nangyayari. imbis na gumalaw, umusad, sumulong... turuan pa nang turuan hanggang mapako tayo sa mga pangyayari at hindi na makagalaw. parang telenobelang hindi matapos tapos, pag nabuntis ang artista o binigyan ng mas mataas na talent fee ng kabilang istasyon, ay mawawala na lang o icacancel ang show. hindi na matatapos... walang pagbabago, paikot-ikot lang tayo sa mga parehong problema, sa parehong issues, parehong formula at umaasang gagana kahit hindi na pwede
12:16 AM
to sam:
oo nga. baka nga internal marketing ang kelangan ng pinas. sana lang makinig sila. problema kasi, baka maging mga kliyente sila na hindi makikinig at laging palalakihin ang mga LOGO nila kahit na hindi naman sila ang "art directors" or "strategic planners."
fix the problem not the blame... that's what should happen
12:19 AM
i agree with sam. nakakasawa na.
corruption, greed, apathy, accusations left and right, empty promises, the hypocrites, the backstabbers, turo dito, turo dun, away dito, away dun...
patong patong na ang problema...
12:54 AM
to doti:
tama. nakakasawa na, pero uso pa rin. kelan kaya mawawala sa uso ang kaguluhan at ang mga nakakasawang nasabi nyo.
sayang patapos na nang mapanood ko ung EDSA Tribute pero maganda ung last na sinabi: kailangan ng bansa ng genuine social transformation. go down to communities and empower them through education.
it's a start.
1:00 AM
mga 7-8 months na nilang sinusubukang patalsikin si arroyo. under ordinary circumstances, such tenacity is admirable. but in this case, the "united" (but obviously and hopelessly fragmented) opposition is just showing how utterly stupid and power hungry they really are.
true, the government has made and is still making mistakes, but these cannot be remedied if they keep on lambasting the administration. why not work with them instead? they just might find this less stressful and more fulfilling.
parang mananaggal ang oposisyon: ang kalahati ay nagpapamukhang makamasa, habang ang kalahati nama'y lalong pinapalala ang sitwasyon sa kanilang pagiging pilibustero. parang mananaggal na naghahanap ng butas sa bubong para makakain: naghahanap ng sasamantalahin para iangat ang sarili.
o, hindi ba't nagpakita sina biazon at guingona kanina sa hq ng marines? ano naman ang papel nila roon? wala. laking pasasalamat ko na lang nang sabihin ni b/gen allaga na hindi niya kakausapin ang mga iyon dahil hindi naman sila bahagi ng chain of command.
akala mo kung sinong self-righteous. ano kaya kung habang sila'y nagp"prayer rally" o kaya'y "vigil" eh tamaan sila ng kidlat? blasphemous.
1:54 AM
to anonymous:
wow. manananggal na nga ang pilipinas, pati pa mga myembro nito manananggal din. isang malaking lipon ng mga manananggal. kung puro aswang tayo, kawawa naman talaga.
hindi nga natin mawari kung lahat hati or ung mga hati ung talagang hati, mukhang malabo ung comment pero malabo talaga ang sitwasyon.
problema tlaga ung mga nakikialam, ung mga nakikiepal, parang sa lovelife, pag may mga epal nasisira ang lahat. sa politika naman, pag may umepal, buong lipunan ang masisira
2:02 AM
I think our country is doomed, but there's still hope.
8:56 AM
to anonymous:
impending doom you might say... pero hindi pa huli ang lahat
1:07 PM
dream ko talagang hindi maging apathetic, and start thinking like a concerned citizen. but i duno.. for some sad reason, these just dont interest me. dont get me wrong here, I LOVE POLITICAL THOUGHT and amazing proposals for governing structures (thanks mister belen.=) no bull here) but mayn. Philippine politics is just too bizarre. Maybe i just like the concepts. Or maybe, sadyang isa ako sa nagpapabulok ng bansang pilipinas. ewan.
eto nalang sasabihin ko... magaling ka magsulat sa wikang pilipino tim. napakagaling mo. And you know i like analogies. galeng. mananananggal. hehehe
at eto. "Parang first love, first kiss, first salary... iba ang ligaya, iba ang epekto." (villela, 2006)...... DUDE BASTA AKO, ALAM KO ANG FEELING NG FIRST SALARY! hahahaha =)
6:30 PM
ako may ay minsang nagiging biktima ng tinatawag na apathy. oo makakaliwa ako ngunit minsan kinukulang ako sa aksyon, hindi ko binibigyan ng sapat na pagkakataon ang aking sarili.
ngunit parangap ko talagang maging isang public servant, in some ways. hindi sa pulitika, sa mga socio-civic groups lang siguro. time management lang siguro.
7:55 PM
to tami:
we're all victims of apathy. in politics, in relationships... minsan kasi pag sobra sobra ang problema, parang gusto na lang natin maging numb at cold rocks... para hindi masaktan, para hindi maabala. pero minsan we really need to get out of our comfort zones to help. kahit gaano natin kagusto, minsan walang avenue, or minsan tinatamad.
1:05 AM
to prend:
yun nga eh. tinatamaan lang tlaga tayo minsan ng apathy pag sobrang depressed na tayo sa lagay ng bansa, na parang nakakatamad na tumulong dahil mismong mga tao hindi tinutulungan ang sarili nila.
pero we could be public servants in our own little ways. being responsible citizens. law abiding citizens... walking on sidewalks, crossing on pedestrian lanes, throwing trash on trash cans... little ways to help our country improve. habitat for humanity ok din, pati gawad kalinga. :)
1:09 AM
Post a Comment
<< Home