http://www.makepovertyhistory.org the shadow laboratory: Song Analysis: Syota ng Bayan


Saturday, March 18, 2006

Song Analysis: Syota ng Bayan

Habang nagmimeeting kanina, bigla kong naalala ang kantang ito entitled Syota ng Bayan by Grin Department. Noong nasa elementary pa lang ako, pinapatugtog ito sa school bus namin kaya halos lahat ng kanta nila ay kabisado namin... the chorus goes like this (click the title to go to the site with the full lyrics):

"syota mo ay syota nya at syota ng lahat,
syota na nila at syota pa ng bayan"

hmm... inisip ko na lang kung may ganyan ba talagang cases. grabe, senti, song from almost 10 years ago, tapos bigla na lang nagpop-up sa utak ko. malungkot isipin na may mga ganyang klaseng tao. mapalingon ka lang, aba, meron na palang iba. aggst... collect and select, or worse, gotta catch'em all, parang nangolekta ng pokemon na ikukulong sa pokeball of pseudo-relationships. hindi mo alam ang ginagawa pag nakatalikod ka. may darating sa iyo, akala mo special, one-of-a-kind, pero second-hand na pala... or worse, parang for rent, parang mga Betamax tapes, or mga Pinoy romance pocketbooks. Ang pangit tignan ng mga Betamax tapes na puro gasgas at dumi na dahil pinagpasahan na, ang labo na ng quality, akala mo makakaraos ka na sa panonood kaso wala rin. Pag nakikita ko ang mga for rent na pocketbooks sa recto (pwede palit, pwede rent, pwede bili, pwede ka rin magbenta), grabe, gula-gulanit na ang mga pahina, at hindi mo alam kung may makukuha ka pang kwento, kasi parang alam na ng lahat ang kwento, paulit-ulit lang, napagsawaan na.

ang punto ko lang siguro dito ay nawawala ang kahalagahan ng isang bagay pag masyado na syang kalat o gasgas. naalala ko kung bakit gusto ko ang alternative, gusto ko ung unique, ung kakaiba, ung kahit ako lang ang nakakaappreciate, hindi mainstream, indie, hindi pa gasgas. tipong, ang diyamante at ginto ay mahal at mahalaga dahil madalang sila sa ibabaw ng planeta. tipong sa kultura, pag masyado nang mainstream, iba na ang dating, di mo na masyado maappreciate ang tunay na taglay nitong ganda. pag kinakanta na ng lahat ang paborito mong kanta, parang ayaw mo na nito. pero kung ang kanta mo ay kanta nya at kanta ng lahat, kanta nila, kanta pa ng bayan. wala, wala nang uniqueness. bumaba na ang value, parang ayaw mo na rin tuloy kantahin. tsk.

If you have more insights, feel free to discuss. Dig deeper, Leap higher.

16 Comments:

Blogger aLLain said...

Awit n nananawagan..
baka sakaling mapakikinggan..


ang Kamikazee nga gusto ung Syota ng bayan... c Darna... wakoko...

11:42 AM

 
Blogger yomz said...

onga no... si darna pwedeng syota ng bayan... kaso masyado na syang busy...

12:43 PM

 
Anonymous Anonymous said...

I understand your points but sometimes yung mga gamit na... pag dumating na yung panahon na nabaliwala't naipaisang-tabi na... mukhang wala nang halaga... may makakapulot at makakita ang tanging halaga nito

7:46 AM

 
Blogger yomz said...

to anonymous:

good point. pero iba ang context nyan. ung mga nabaliwala't napabayaaan o taken for granted, sooner or later, may makakahanap din sa kanila para makita ang tanging halaga nila.

pero paano naman kung ung pinapahalagahan mo, ung pinakaiingat-ingatan mo, at akala mong kaisa-isa ay bigla na lang bumigay at nasira, or worse, hindi mo alam na marami na palang nakikialam, or even much worse, kung may damdamin man ung pinapahalagahan mo, ay hindi ka na nito pinapahalagahan... tipong pag binaliktad mo ang situation, ako ang iniwan ng paborito kong Action Figure, at nakipaglaro na lang sa ibang mga bata...

11:29 AM

 
Blogger cynic-skeptic said...

kailangang ikulong sa isang glass cabinet na may 256-bit encryption sa security system code. pfft.

parang si sam milby. sobrang publicity na nakakasuka na. ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa pa rin ang mga tao sa kanya? baka iba lang ang habol?

parang people power. kapag ayaw si presidente, ikalye na lang. parang tumutungga ng isang klase lang ng antibiotic kapag umuubong parang aso.

siguro marami lang talagang taong tanga sa mundo. at hindi tayo kasali dun hehehe.

sana hindi ako iwan ng mga Gundam Deathscythe ko. 2 hours each ko pa namang inaassemble un.

5:11 PM

 
Blogger aLLain said...

hayz...

hayz... marami talagang ganyan...

5:48 PM

 
Anonymous Anonymous said...

yomz hulaan mo sino to. clue:wala na yung blog ko. tinanggal ko na sa cyber space dahil may mga nakakabasa palang iba bukod sa inyo, syet. anyway, good points. pero yomz, naisip ko lang, meron mang mainstream, ako yun. i mean, yeah presidente ako ng no boyfriend since birth club, pero mainstream ako in the sense na clown ng bayan, best friend ng bayan, adviser ng bayan ganun. pano yun? so ibig ba sabihin nun wala na akong value? sipain kaya kita? at bakit di pa ko nagkaka boyfriend? remember our bold statements sa mcdo? "i'm one of the smartest people in this planet!" wahahaha! smart nga wala namang "future" hehehe.

7:17 PM

 
Anonymous Anonymous said...

kung nakipaglaro man si GIJoe sa ibang tao... ibig sabihin hindi yun ang toy for you

9:19 PM

 
Blogger yomz said...

to prend:

exactly. pag sobra na nga ang publicity, parang nakakasawa na. or tipong marami na masyadong tagahanga kaya gusto mo na lang tumabi at magbackout.

popularity contests... strength by numbers... aggst

9:50 PM

 
Blogger yomz said...

to anonymous na blogger na lagi kong example sa ethics class:

good point. mainstream ka nga, popular sa lahat, palaging in demand, pero hindi ibig sabihin na wala kang value. bakit? kasi may mutual element sa situation mo, may reciprocity, at ung pagiging adviser ng bayan at kaibigan ng bayan, ay may acts of selflessness at may tendency ka na maipit. tipong, pag adviser ka ng isa, hindi mo naman ilalaglag ung ibang kaibigan mo. pero ang mga artista ba na mainstream, lahat ba ng fans nila kilala nila? binibigyan ba nya ito ng oras? hindi nila pwede hatiin ang katawan nila para pag-gugulan ng pansin ang lahat. so sa kaso mo, tumataas pa ang value mo. pero kunyari, ang situation mo ay may ownership or exclusivity, ibang kaso na yun. kunyari, may boyfriend ka na, matutuwa ka ba na boyfriend sya ng lahat? hindi di ba, parang gusto mo nang isuka at parang ayaw mo na ma-associate sa kanya. iba ang situation, kasi may exclusivity. at pag nawala ang exclusivity sa mga pagkakataong nangangailangan ng exclusivity, wala na ang kahalagahan ng samahan. pag ang sikreto mo, pinagsigawan sa mundo, hindi ka matutuwa kasi iningatan mo yun. pero ang kwentong barbero mo na trip mo ikwento, matutuwa ka pag kumalat at naging kwentong bayan at nacredit ka pa.

and one more thing... we really cant have everything all at once. we may have a job, but mo love life. we may have money, pero magulo ang buhay. nakatira ka nga sa maliit na bahay, pero masaya naman ang lahat. sooner or later, we'll get it all... but not all at once.

10:02 PM

 
Blogger yomz said...

to anonymous:
good point. gets ko. pero...

kung nakipaglaro si GIJoe sa ibang tao... wala syang utang na loob. pagkatapos ko sya ingatan, binigay sa akin ung ng mga magulang ko para lang sa akin kasi regalo sa akin. pag nanregalo ka, kahit na alam mong para sa pagbibigyan mo iyon, pag binaliwala nya yun o pinamigay na lang sa iba, di ba malulungkot ka rin?

cge, i can share a toy, pero minsan may selfish nature pa tayo na nag-uugat sa pagkabata, kasi sobrang valuable sa atin nung laruan na yun, kasi paboritong paborito mo, tipong pag naglaro ka lagi mong ginagawang bida. naalala ko tuloy ang Toy Story. cguro kung hindi mahalaga sa akin ung GIJoe at wala kaming pinagsamahang mga "adventures", siguro madali na syang i-let go. pero kung hindi talaga sya ang toy for me... sige... basta masaya sya. nakakatakot naman ang GIJoe naglalakad... ahehehe

10:15 PM

 
Blogger yomz said...

to allain:

malas lang kung dun tayo napapadpad... kaya mas ok sa indie eh... ung alternative... hindi mainstream...

kaso minsan deceiving eh... tipong akala mo walang nakakapansin, nandyan lang, pero mainstream na rin pala... haaaay

10:17 PM

 
Blogger cynic-skeptic said...

masaya na akong maging "boyfriend substitute" ng bayan. if my fate brings me to that state, then so be it. ang importante masaya ako kasama ko sila, at masaya sila kasama ako.

may mga naiinsecure na nga eh, but i think that is because they don't have what i have. probably.

after a traumatic January, i didn't let it traumatize my whole year.

i feel what you feel prend. pareho lang ang explicit and implicit rejections natin.

but i guess these are the complications of the analog world we live in. ako hindi na umaasang makakahanap pa, dahil sa tingin nahanap ko na siya, wala na akong dapat pang i-prove.

10:29 PM

 
Anonymous Anonymous said...

to prend:

pero malaki ang difference ng "boyfriend ng bayan" sa "boyfriend substitute ng bayan." ung former ay isang palikero. the latter would be... the best guy friend.

magkadugtong nga ang mga bituka nating 3.

2:20 AM

 
Anonymous Anonymous said...

lufet ng resbak mo sa comment ko ah... nakaka flatter yung mga sinabi mo, pero sana ginawa mo na lang testi. wahahaha!

3:23 PM

 
Blogger yomz said...

to anonymous:

request granted

7:44 PM

 

Post a Comment

<< Home