Last Chance Sale
Natawa na lang ako nang nakita ko sa isang package ng Belgian chocolates dito sa bahay ang sticker na "LAST CHANCE SALE." Sige, halos pareho lang sya ng mga LAST DAY SALE na nasa mga mall at supermarket pero iba ang impact sa akin ng LAST CHANCE SALE eh. parang now or never. pero mahirap pa rin paniwalaan. naalala ko dati sa Tutuban, gabi-gabi namin nakikita yung LAST DAY SALE sa isang tindahan. araw-araw last day. tapos hihirit pa ang nagtitinda, "magsasala na, bili na." kung anu-anong gimik naiisip ng mga nagtitinda para makabenta. parang ang laking kawalan sa mga tao pag hindi nila kinuha ang oportunidad, sayang eh, last chance pa naman... cge na nga. sayang ang chance. tsk tsk
pero wala pa rin tatalo sa singing tiangge barker sa divisoria na huli kong narinig mga 5 years ago. "hala sige na, lapit-lapit na, bili na kayo, murang-mura lang, hala sige na." customized pa yan kung ano ung bibilhin mo. kung mapagtripan ka ng kumakanta, "hala sige na, lapit lapit na. meron ka nang blouse, meron pang panty." galeng, spontaneous, basta nakakabilib kasi non-stop. dumaan ka ng tanghali, kumakanta pa rin, dumaan ka ng hapon, meron pa rin. nalungkot na lang ako nang nagsimula na sila magrecord. siguro kinuha na yung barker na nakamegaphone ng isang major record label company, at siguro nakabenta na sya ng maraming CD, baka nga pinirata na sya sa quaipo eh.
hindi ko ba alam kung bakit ako nagblog tungkol sa pagbebenta. may iniisip kasi ako pero wala akong maisip kaya naisipan ko muna magblog tungkol sa LAST CHANCE SALE na nakita ko sa packaging ng Belgian chocolates. naalala ko nga kanina na dapat magboblog ako tungkol sa chocolates, pero mas striking yung pink sticker na nakalagay "LAST CHANCE SALE." paano kung tao yung may sticker na "LAST CHANCE SALE"? last chance mo na ako makikita ngayon, sigurado kang hindi ka bibili? marahil hindi ka na pinapansin kasi naisip din naman nya na next time naman may sale ulit eh. pero sige ka, paano kung wala nang stock? pero puwede rin naman pumunta sa factory kung saan factory price. kung defective siguro pwede ibalik within 24 hours basta walang gasgas. kung hindi talaga pwede, edi wag. nabasa ko nga sa isang tindahan ng dyaryo, wag bulatlatin kung hindi naman bibili. siguro pareho lang sa mga tao. wag mo bulatlatin ang buhay, wag mo paasahin na bibili ka kung wala ka naman talagang balak bumili, o kung wala ka naman talagang pera. the customer is always right. yeah right. ever heard of profitable customers? hmm... mahabang discussion pero respeto din lang sa tindero/a, pero ang tindero/a respeto din sa mga mamimili. dapat mahaba ang pasensya, maraming alam tungkol sa kanyang binebenta, pleasing personality, 20/20 vision, computer literate, graduate of any 4-year course with excellent grades in values education... siguradong bebenta ka, hindi lang ng iyong products.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home