Pre-Landian Moments
Flirt ka ba? Mahilig ka bang makipaglandian? Sanay ka ba sa kulitan at harutang walang humpay sa opposite sex matapos lang ang isang iglap? Kung oo, ikaw ay isang haliparot. at dapat mong tantanan yan...
Nakakasira ng samahan ang landian. Nakakasira ng existing relationships, nakakasira ng emerging relationships. Bago ang flirts, bago maging haliparot, bago makipaglandian... merong tinatawag na "PRE-LANDIAN MOMENTS" (thanks to Jown for the term)
ano ang pre-landian moment (PLM)? bago maglandian, bago magflirt, may mga moments na napre-preempt ang landian. ang hirap iexplain. basta, kunyari ang pagputok ng baril ang landian, so ang prelandian ang moments ang triggers o mga bagay na maaaring tumulak sa iyo na i-trigger ang baril. bago pa may mabaril na biktima ang flirting moments, dapat iwasan ang pagtrigger o iwasan na makalabit ang gatilyo ng baril para walang masawing puso at damdamin. minsan may ligaw na bala na pwedeng ibang tao ang tamaan ng hindi sinasadya dahil sa mga landiang hindi maiwasan, dahil nangangati ang mga daliri para kalabitin ang gatilyo. kung sana iwasan ang mga moments kung feeling mo may masasagasaan ka, o may posibilidad na magflirt ka sa isa pang tao, edi sana hindi na makakasagasa ang mga palikero at hindi na rin mauuso ang two-timing, ang sulutan, ang pagpapasulot, o ang mga pagseselos.
examples of pre-landian moments:
- friendly text messages
- pag-epal sa barkada
- pagsama/pagyaya sa mga lakaran
- eye contact
- facial expressions
- pagiging touchy
- mga friendly hirits
- kung nasa relationship ka, iwasan ang PLM. since may mga landian na hindi maiiwasan, ung initial contact pwedeng tantanan na kung alam mong nasa relationship ka. kung may BF/GF ka, iwasan ang initial contact para hindi na mauwi sa landian. para hindi magkasulutan, at maiwasan ang two-timing, o maiwasan ang pagshift ng focus mula sa tao mong mahal papunta sa tao mong nilalandi.
- kung sadyang pinanganak kang haliparot o palikero, hands-off naman sa mga taong nasa relationships. respeto naman tsong. bastusan eh. walang ganyanan. wala ka naman palang balak pumasok sa relationship, pero eepal ka at uumpisahan ang PLM, in a sense, nanunulot ka na. hindi lang isang tao ang sinaktan mo, ngunit dalawa: ung "inagawan" mo, at ung "sinulot" mo, dahil parang nilinlang at niloko mo sya sa iyong bitag para lang paasahin sya sa wala.
**palikero = playboy or flirtatious male
***haliparot = malandi
****sulot = agaw
18 Comments:
I agree. Dati, nung medjo mabata-bata pako.. msasabi kong isa rin akong haliparot. nakaka-flatter kapag pnapatulan ka ng crush mong may gf--kasi parang "you're better" than her--dahil may nkikita yung guy sayo na di nakikita si gf nya, kaya ka niya pnapansin--PERO minsan lang matamaan ka ng "BALA" ng landian moments, kahit madapyasan ka lang ng PLM.. masakit din pala. Kung minsan nagpaputok kayo ng landi, mag-ingat sa mga "straying bullets", kasi mas masakit yung tama nyan. Minsan kala mo lokohan lang.. mamayang konti.. nasususgatan ka na pala. charing!
3:32 AM
to nics:
haaaay... yun tlaga ang problema. ung stray bullets. kasi usually hindi makontrol, tipong impulsive dahil nga sa immaturity. so maraming taong natatamaan, so maraming nabibiktima. pero masakit din kasi minsan may mga taong sadyang mala-M16 na sadyang haliparot or palikero na flirt ng flirt na akala mo lapitin, pero lapit lang nang lapit sa mga girls or guys, at since magsisimula sa PLM, nauuwi sa tunay na LM or Landian moments... ayun, dire-diretso na, nagkakagulo na, may naiipit, may nasasaktan
3:37 AM
wait.. sino ba ang iniilawan natin dito.. ang haliparot na namamaril o ang natatamaan ng bala?
minsan kasi.. gustong gusto rin nung mga nababaril na matamaan ulit ng straying bullets na PLM.
Katangahan ng mga feeling super hero.. akala nila, porket di tumatalab ang sakit ng bala sa kanila, tumatama naman sa iba.
ayun. Moral lesson parin, huwag landiin ang mga meron nang bf or gf. respeto nga, kaka ni yomz.
3:50 AM
crossfire crossfire!
2:28 PM
to nics:
pareho nating naiilawan ang natatamaan at namamaril. basta ang point, minsan sniper na diretso ang tama to the point. minsan shotgun na may shrapnels na kumakalat. minsan naman nagriricochet at bumabalik sa iyo. basta ang point, as you've well said, hindi tayo superhero... matatamaan tayo at makakatama tayo.
kaya respeto. hands off kung meron ka na or meron na ung hihiritan mo. RESPECT, if you want to be respected.
sa totoo lang, nawawalan na ako ng respeto sa mga taong ganito umasta eh
10:46 PM
to shara:
yep! kung walang balak tapusin, wag simulan.
NO to PRE-LANDIAN MOMENTS! gagawa nga ako ng Advocacy campaign against PLM.
10:47 PM
to prend:
welcome to the battlefield prend. to win, know your enemy, and know yourself.
10:48 PM
ahh...love is a battlefield. kanta yan hehe.
ako flirt ako sa totoo lang pero sa mga taong alam kong dapat off limits talagang off limits ako. hanggang kwentuhan lang. no more no less. respect lang. pero ewan ko kung bakit may mga taong naiinsecure haha.
actually hindi ko alam kung flirt na maituturing ang pagkakaroon ng contact. ma-contact lang siguro kasi akong tao lalo na when it comes to people na close sa akin. regardless of sex. hindi kasi ako yung taong kulong sa stereotypes eh. siguro 'yung the way i make contact is that i give them the sense of security. mga akbay-akbay lang.
11:09 PM
to prend:
ako rin kaya may pagkaflirt. pero the moral lesson is: know your limits. know the other person in the sense na malinaw na biruan lang at hindi na maeescalate. at know kung wala kayong masasagasaan. tama, respeto lang.
basta, according to the author of PLM, jown, any contact is a PLM. pero pag kakaiba na at may something weird going on, flirt na un. and as we've said, knowing the limits is a big thing :)
11:25 PM
sabagay, ako i really don't make contact with a person (the opposite sex) na hindi ko talaga ka-close. hindi ako umaakbay and/or yumayakap sa mga ganung girls ke may relationship sila o wala basta hindi kami close wala talaga. unlike some people sa school (college) na kung makayakap eh parang wrestler na. take note ah opposing sexes ang involved, may gf ang lalaki at single ang babae. i don't know siguro na-cu-cute-an lang siya sa girl o it's just a way of lambing or something i can't really say. pero ako, as aforementioned, basta walang close connections, wala.
actually, ang akbay ko lang kapag walking along something or somewhere. yakap lang ako kapag nag-g-greet or nagpapaalam. giving some sense of security and reassuring friendship ang interpretation ko n'un.
siguro kanya-kanyang POV and interpretations lang 'yan. flirtation, landian, iba-iba rin ang tingin and/or definition natin diyan.
haha forums na ulet!
1:08 AM
to prend:
yep. iba pag kaclose na natin at comfortable na tayo sa kanila and vice versa. kaya walang misinterpretations, malinaw, just what you've said, feelings of company and security lang.
kanya-kanyang POV nga pero in any case, there should be moral standards. bawal ang relativism. ang paglalandi ay paglalandi (period). and in any moral situation, 3 things are covered: the intention, the object, and the circumstances. agggst... sorry prend, gawin ko tong blog entry interesante eh. expand ko pa sa next entry ko.
12:29 AM
to pat:
yep. life's like that. i second that! we just have to move on and let go and let God
12:33 AM
ayos ba prend. ang POV's kasi ng tao pwedeng tuwid, pwedeng ma-refract (kunyari tuwid), o kaya sadya talagang bungi o tagilid.
ako masasabi kong "malandi" ako sa mga close friends ko kasi "malandi" rin ang usapan namin hahaha. pero sa ibang tao, hindi talaga. mahirap hanapin ang soft spot ko eh hehehe.
12:34 AM
You're probably referring to someone, that's why you made an entry about this. Looks like you're pretty irritated. Kung sa bagay nakakairita naman talaga. hehe
3:51 AM
hmmmm masyadong may hinanakit sa tono... mahirap tlga yan, mahirap maging biktima pero mahirap din naman maging haliparot noh. masakit din yun noh.. :)
11:10 AM
to passerby:
hmm.. you cant remove angst in my system. i just cant tolerate unethical acts whether it concerns me, my friends or complete strangers around me. unethical acts should lessen if not completely eliminated
3:56 PM
to boss:
angsty tone is part of my writing, but it's not all that. dapat may resolution, at happy ending. ang hinanakit pag kinimkim, baka maging cancer, at pag one time big time ang labas nang naipong galit, baka magdulot ng apocalypse. a healthy dose of angst makes the world go round.
mahirap nga, just what you've said. so dapat tigilan kasi maraming nahihirapan at maraming nasasaktan. kung selfish ang lahat ng tao, talagang hindi giginhawa ang buhay nating lahat.
4:02 PM
tapat sa taong haliparot o malandi... sinusunog ng buhay.. wahahaha... joke lang.. humanity rules kaya karma n lang un...
@broken-pencil.. kaya pala ang sweet mo sa kin.. haha JOke lang ha mga pipz... wakoko..
@yomz
dami talaga ganyan... at DAPAT HINDI TINOTOLERATE ang mga ganyan... PLM for the win!!
sama naman pala ng acronym.. nasasaktan ako... huhuhu.. T_T
1:05 AM
Post a Comment
<< Home