http://www.makepovertyhistory.org the shadow laboratory: Araw ng Kagitingan


Sunday, April 09, 2006

Araw ng Kagitingan


Maraming mahalagang okasyon ang ipagdiriwang ngayon. Palm Sunday ngayong April 9. Araw ng Bataan. Day of Valor sa Ingles o Araw ng Kagitingan ay ngayon din ipagdiriwang. Ang araw ng pagsuko ng Bataan. Ang araw na nagsimula ang makasaysayang Death March.

Ano ngayon kung Araw ng Kagitingan? Bakit nga ba natin ipinagdiriwang ito? Bakit sa isang araw ng pagsuko at pagpapahirap dahil sa Death March? Hmm... matanong ko lang. Naranasan mo na bang mag-"let go"? Mahirap bumitaw sa isang tao o bagay na pinakamamahal mo. Mahirap isuko ang isang tao o bagay na pinakamamahal mo, na handa mong ipaglaban at ialay ang buhay alay-alay lamang sa kanya. Nasabi sa isang Sentenyal na article:

"Bilang paggunita sa makasaysayang pagsuko ng Bataan, itinalaga ng pamahalaan ang Abril 9 ng bawat taon, bilang Araw ng Kagitingan, upang parangalan ang mga kababayan nating nakipaglaban, sukdulang ialay ang buhay para sa bansa."

Dahil sa pagmamahal sa kalayaan, ang Bataan ay hindi basta-bastang nagpagapi sa mga mapanupil na Hapon nung panahon ng Hapon. (trivia: sa Japan laging Panahon ng Hapon) Ang Bataan ang nagsisilbing ehemplo na ang mga Pinoy ay hindi basta-basta magpapasupil sa mga banyaga. Hanggang sa huling sandali, pinagtanggol ng mga magigiting na Pilipino ang kalayaan at ang bansa.

Siguro, ang mga pinanganak sa araw na ito ay sadyang magigiting. Kagitingan = Valor. Valor = The qualities of a hero or heroine; exceptional or heroic courage when facing danger (especially in battle). Masarap sigurong tanghaling magiting. Maging dakila. Pero sa kagitingan kadalasang sakit ang dinudulot. Hindi mawawala ang sakit, ang parusa, ang Death March. Isang salita ang madalas nating naiisip... Martir. Patuloy ang laban, kahit na nasasaktan. Ipaglalaban ang prinsipyo, ang mga kalayaan, ang pag-ibig. Mahirap maging magiting, maging dakila, maging martir. mahirap kumapit. Pero mas mahirap bumitiw. Mas dakila, mas magiting at mas martir ang mga taong sa kabila ng pagbitiw at pag-"let go" ay patuloy pa ring nabubuhay at buo ang loob, na hindi nawawala ang prinsipyo, at hindi nawawala ang pag-ibig. Alam nating sinuko nila ang Bataan, pero hindi nila sinuko ang Pilipinas, ang kanilang pagiging Pilipino, at ang kanilang pagmamahal dito. Hinarap nila ang mga hirap at pasakit (Death March), at patuloy na nabuhay hanggang sa huling hininga.
____

Itinatatag ko ang araw na ito bilang ang sarili kong Araw ng Kagitingan, ang araw na sinuko ko ang aking "Bataan". Pero tapos na ang aking "Death March", at sisimulan ko naman ang aking "Life March." ika nga sa Ice Age 2: "Let go of the past so you can have a future. " "FOOOD!!! GLORIOUS FOOOOOOOOOD!!!"

p.s.
Birthday ko po ngayon...

Salamat sa mga Nagtext: (in order of appearance)
angel & nades (parehong may maling kalendaryo, bumati na nung 8), karla dearest (saktong 12AM), doti, joan stacey, my angel joedz, prend pat, co-BBDO pat, ate chii-chii, micah, little sis rish, luchie, aspe, ange, unknown texter #1, miyay, nins, prend jess, dianne, unknown texter#2, liz, hongkong tourists (sam, jinielle, kate and mich), mon, hot singles international (ibang klase international na), boss danes, ideza, tippy, sis/angel mabel, macy...

10 Comments:

Blogger dohteeh said...

happy birthday timoy!!!!

6:12 PM

 
Anonymous Anonymous said...

Happy Birthday!

8:48 AM

 
Blogger yomz said...

thanks doti!!! ;) weeeeeeeee

12:34 AM

 
Blogger yomz said...

thanks ms/mr anonymous! ;)

12:35 AM

 
Anonymous Anonymous said...

its a ms. :-)

11:26 AM

 
Blogger yomz said...

thanks ms anonymous! ;)

2:57 PM

 
Blogger aLLain said...

hapi bday..

froms a min dalawa...

11:47 PM

 
Blogger yomz said...

salamat sa inyo! salamat sa pagpunta nyong dalawa... allain/elaine! ;)

regards na lang sa kanya tol! (pero malamang magkasama kayo kaya nababasa nya rin to hehe) :)

12:15 AM

 
Blogger cynic-skeptic said...

ops! the white lies are worth it!

did i read the word Martir! wapang!

10:52 AM

 
Blogger yomz said...

to prend:

pffft! may exclusive entry ako later regarding the surprise prend. salamats sa pagpunta! asteeg kayo!

martir nyebera! ;)

1:22 PM

 

Post a Comment

<< Home