The Reject Project
ipikit mo ang iyong mga mata. wala kang makikita. malamang hindi mo mababasa ang blog entry na ito kung ginawa mo iyon. mabuti na lang at binabasa mo pa rin ang kalokohang entry na to kahit na hindi mo sinunod ang panuto. hmm... wala nang pikitan. pero subukan mong isipin, bakit ba laging nasa dulo ng stick ang taba ng barbeque? sadyang puyat ako at kada puntong nais kong ipahayag ay sinasapawan ng isang kabalastugan.
marahil ilan sa atin ang sanay na hindi pansinin, ipagsantabi, ipagsawalangbahala. ang iba ay uupo na lang sa sulok, magdodrowing sa lupa ng mga bilog. hindi ko alam kung bakit ko ito naisulat. pero alam ko noong isang araw, naitanong sa akin ni Irish kung bakit hindi ako matanong, kung bakit usually "introverted" ako, at tila mahiyain. Ang unang pumapasok sa akin ay ang "fear of rejection." Minsan kasi parang nakatatak na sa isip ko na pag nagtanong ka, magmumukha kang tanga. Buti na lang nabasa ko sa Pinoy Komiks na Kiko Machine na mas ok nang magtanong at magmukhang tanga kaysa manahimik at manatiling tanga. Siguro ang ganitong pag-iisip ay magagamit sa ibang aspeto ng buhay: sa panliligaw, sa paghahanap ng trabaho, sa pagsulat ng proyekto, sa pakikipagkilala, atbp.
Ayon sa talatinigan, maraming kahulugan ang rejection.
1.) The person or thing rejected or set aside as inferior in quality
- siguro kaya narereject ang isang tao kasi hindi mataas ang kanyang kwality. wala syang masyadong kwalipikasyon. Hindi nakapasa sa quality testing. maaaring hindi ka inferior per se, pero inferior ang tingin sa iyo dahil baka hindi mo pinapakita ang superior side mo.
2.) Refuse to accept or acknowledge
- kapag ikaw ay nareject. Nirereject mo rin ang rejection. Paikot ikot lang yan. Rejected ka. Ni-rereject mo ung kaisipan na rejected ka. "In denial" ika nga.
3.) Resist immunologically the introduction of some foreign tissue or organ
- kapag medyo kakaiba ka para sa isang babae, ung tipong hindi sila sanay sa mga pagbabago, maaaring ituring ka ng babae na parang bacteria na hindi ka pwedeng dapuan o masilayan. parang kang hulog ng langit, niluwa ng bulkan.
Hmm... ang rejection ay masaklap sa dignidad ng isang tao. kung sa unang hirit ka na-reject ay walang problema. pero kung ikaw ay naghirap o nagsakripisyo o nagbigay ng iyong oras at panahon, masakit. para kang nanligaw at pinasaya, pero ipagsasantabi ka lang pag sawa na sya. para kang nag-isip ng magagandang ideya, tapos ipinagsawalangbahala lang ng iyong mga kagrupo o guro. parang kang nagprint ng resume, pumunta sa malayong lupain, nagfollow-up nang ilang beses para lamang malaman na hindi ka tanggap sa trabaho.
lubhang masakit pag may pinanggalingan. walang problema kung minsan ikaw ay mag-isa. alam mong hindi ka nag-iisa. nariyan ang mga kaibigan - may ilang tunay, may ilang hindi. hindi malungkot mag-isa, kung mag-isa ka. malungkot mag-isa kung may kasama ka. ung tipong kasama mo, pero hindi ka pinapansin. ung tipong kinakaawaan ang ibang tao, hindi nalalaman na ikaw na katabi nya ay mas nasasaktan. ung tipong ayaw ka ngitian, pero tawa nang tawa sa ibang tao. ung tipong kaharap ay cellphone tuwing kinakausap mo. para kang hangin. para kang wala. hindi ko alam kung bakit nandito pa ang talata na ito, pero para sa akin, isang malupeeeet na kaso ng rejection ang ganito.
hmm...