http://www.makepovertyhistory.org the shadow laboratory: Minsan May Isang Torpe


Sunday, July 03, 2005

Minsan May Isang Torpe

minsan may isang torpe. WARNING: this is a long read. first post in Filipino. di ako makakatulog hangga't di ko ito mai-post. wala akong pakialam kung may makakabasa ba nito o wala, basta outlet ko itong blog ko.

Image hosted by Photobucket.com

minsan, napag-isip-isip ko. bakit ba ako kabilang sa NGSB Organization? Anong NGSB? Itanong mo sa buwan, sasagutin ka ng araw. siguro, hindi ako napagkalooban ng genes para sa lakas ng loob. siguro dahil late-bloomer ako. siguro nung bata ako, may namigay sa barangay namin ng confidence, kaso katutulog, nasa huli na ako ng pila. doon tuloy ako napunta sa pila ng creativity at intelligence, wala kasing masyadong tao. hindi ako nagtataka. tignan nyo na lang ang pulitika, puro confidence, wala namang... ...wag na, ayoko makulong, at in fairness, may matino naman sa kanila kahit papaano.

hindi itinuturo sa paaralan ang panliligaw. tinuturo lang nila kung paano maging nerd. sana man lang meron isang elective course na panliligaw 101. pero hindi pa rin eh. in-born skill tlaga yan eh. o talagang pinanganak ka lang na makapal ang mukha.

nung graduation ball namin, meron kaming torpe table. pero meron ding pakipot table. self-explanatory. it takes two to tango. hindi namin paipaliwanag. parang napako ang mga paa namin sa sahig. hopeless romantics. pag nakatayo na, isang hakbang pa lang, parang binomba kami ng tubig ng bumbero. parang may force field. pero in fairness, nai-last dance naman namin sila. lucky girls...

at isa pa, kaya may mga torpe. dahil sa friendship. ayaw kasi masira ang friendship eh. haay... friendship or lovelife? ito ay isa sa mga ironies na hindi ko talaga maiintindihan.

bakit kaya may mga pinanganak na torpe? o sadyang nasa pagpapalaki ito? feeling ko nasa kultura. dito lang sa Pilipinas nanliligaw ang lalaki. sa ibang bansa nga kelangan mo pa bayaran ng dowry ang lalaki para lang kayo magkatuluyan. sa states naman walang torpe... loser lang. hindi ko sinasabing loser ang mga torpe. ibang context kasi, kaya unfair pag in-equate mo ang dalawang term. para mo na ring tinawag si justin timberlake na itang tisoy.

kung hanggang ngayon ay hindi mo pa alam kung ano ang torpe... maghanap ka na lang ng condom ng baboy (kahit i-search nyo sa google, imposible yan, deduce nyo na lang kung bakit). matagal nang may torpe, nagsimula noong ice age. panahon pa ni mahoma. kelan yun? sino yun? itanong nyo sa lupa, sasagutin kayo ng langit.

ayon sa aking masusing imbestigasyon at pananaliksik, karamihan sa mga torpe ay gwapo. ang kapal naman ng nagsusulat nito. hindi ko naman sinasabi na gwapo ako, pero i can be proud to say na hindi ako nilikhang pangit. ika nga ng pinsan ko. pag ang maganda at guwapo nagkatuluyan, meant to be. pag parehong pangit, meant to be rin. pag gwapo at pangit, tinutukan ng baril ang lalaki. pag pangit at maganda, magaling dumiskarte. ika nga nila, you can't have it all. matalino ka man o guwapo, maaari kang mamatay nang single at mahirap. meron namang ilang bobo at pangit, namamatay nang mayaman at maraming chicks.

hmm... matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, aking nadiskubre kung bakit ako kabilang sa NGSB. ang madalas na sagot ng mga kalalakihan kung bakit sila taga-NSGB ay: magastos magka-GF; aral muna; saka na lang; marami namang babae dyan; collect and select muna; gotta catch'em all; at kung anu-ano pang kabalbalan. sa aking karanasan, may tatlong kadahilanan:
  1. Idealism - (e.g. gusto ko ganito maganda, matalino, blah blah)
  2. Pride - (e.g. hindi ako manghahabol, ako ang hahabulin)
  3. Katorpehan - (e.g. ...*blushes*)
Ayoko na i-expound dahil ayokong i-waive ang aking right to privacy according to Article 3 Section 3 of the 1987 Philippine Constitution. kung sa bagay, hindi ko pa ito nababanggit sa kahit sa anong heart-to-heart talk conversation na nasalihan ko. nagpapasalamat ako sa single-blessedness. masaya maging single, what more pag double. pagkatapos ko sabihin lahat ng iyan, hindi naman ako talaga torpe (at hindi ako pangit... at hindi ako bobo), hindi ko pa
lang talaga nahahanap si Sleeping Beauty... tulog kasi ako nang tulog.

P.S.
Sa mga makakakita kay Sleeping Beauty ipagbigay alam lang sa may-ari ng blog na ito. Huli siyang namataang nag-sleepwalk. at bawal ang plagiarism. salamat po.

.:yomz:.

38 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ang NGSB at ang BSB ay isang alyansang nagpapatunay na ang mga malulupit magmahal ang siyang napag-iiwanan.

sa panahon ngayon at sa aking masusing pag-iimbestiga sa pamamagitan nang pagmamasid, ang pag-ibig ay binibili na lamang. sa dami-rami ng pag-ibig na maaaring ibigay ay bakit wala man lamang gustong tumanggap? isa ba itong tanong na retorikal?

bakit ang taong hinihintay mo nang kay tagal na panahon ay hindi ka man lamang bigyan ng ideya kung ano ka para sa kanya? kulang pa ba ang paghihirap na dinanas mo? kailangan pa ba niyang malaman ang katotohanang hindi sakop ng pisikal na dimensyon para lamang matauhan? o mga tanong na retorikal na lamang ang mga ito?

ako ba ay nababubuhay sa mundong ang ibigin ng taong mahal ko ay isang imposibilidad na lamang? ang pag-ibig ko ba ay isang tanong na retorikal na lamang?

9:21 PM

 
Blogger yomz said...

haay buhay. bakit kaya ganun no? gaya nga ng iyong nabanggit, may mga tanong sa sadyang retorikal.

halos pareho tayo ng mga pananaw sa mga ganitong karanasan. natural, meron tayong mga pagkukulang pero hindi iyon ang buong larawan. ang mga ganitong karanasan ay isa lamang sa mga realidad na naipipintasa utak ng mga kung sinu-sino sa kanilang sariling mundo.

wala kasing kompromiso. kadalasan, sa mga maliliit na bagay di nagkakasundo. tila kulang sa maturidad.

haay buhay. pero yan ang nagbibigay kulay sa mundong ibabaw. i could be wrong, pero wala na akong pakialam. aasa na lang ako.

12:38 AM

 
Anonymous Anonymous said...

at isa pa, kaya may mga torpe. dahil sa friendship. ayaw kasi masira ang friendship eh

EXACTLY.
PRECISELY.
TUMPAK.
MISMO.

hindi ko pa
lang talaga nahahanap si Sleeping Beauty... tulog kasi ako nang tulog.


PASENSYA NA, MEDYO "LIT ANALYSIS MODE" AKO NGAYON. HMM...
"TULOG":
LITERAL- "HINDI GISING"
FIGURATIVELY- "HINDI GISING SA KATOTOHANAN"
KAYA NGA... WAKE UP!!! (BAKA MA-LATE KA NANAMAN)

*SORRY SABOG AKO. INAANTOK PA AKO KAYA KUNG ANO MAN YUNG PINAGLALALAGAY KO DITONG NONSENSE, WAG MO NANG PANSININ. HAHA!

6:49 AM

 
Anonymous Anonymous said...

ang buhay ko ay walang kulay. hindi ba't ang itim ang kawalan ng kulay at ang puti ay ang lahat ng kulay? isang ironya hindi ba?

12:37 PM

 
Anonymous Anonymous said...

PUTEK WRONG GRAMMAR PALA AKO. SORRY SORRY, SOBRANG O.C. AKO SA GRAMMAR, KAILANGAN KO LANG I-CORRECT...

WRONG: FIGURATIVELY- "HINDI GISING SA KATOTOHANAN"

CORRECT: FIGURATIVE -"HINDI GISING SA KATOTOHANAN"

HAHA I'M SUCH A GEEK.
IT'S GOOD TO SEE THIS SIDE OF YOU ONCE IN A WHILE... CAN RELATE AKO AND AGREE AKO SA ENTRY NA 'TO... EXCEPT SIGURO DITO:

aasa na lang ako.
MAHIRAP YATA YAN... DIBA?

8:58 PM

 
Anonymous Anonymous said...

Uy... Timothy! Ayan nabasa ko na huh... naiintindihan ko ang iyong mga sentiments pro I must really say that I believe hindi genetics ang puno't dulo ng katorpehan. Hindi ka pinanganak na torpe. Pakiramdam ko practice lang yan at taking risks. Timothy... malaki ka na... alam mo na dapat mong gawin. By the way salamat sa company and conversation kanina... Nararamdaman ko mauulit yun. I do hope na maulit talaga. Anywayz, gawa pa ko ng blog ko kaya I have to make this short baka wala na akong msabi sa blog ko. Katorpehan is just a state of mind... hindi ka sasaktan ng mga babae... well, hindi lahat. Sige, hanggang sa muli!
(Bale supposed to be kagabi ko toh ipopost... eh nawalan ako ng load kaya nadelay)

9:55 PM

 
Anonymous Anonymous said...

ahhh...kaya pala iniiwan na kami ni tim ...=( ....pinagpapalit na kami kay sleeping beauty...nagseselos na ang team8....hehe...joke lang.. nagda-drama lang ako....nakakatuwa naman at nakita ko yung other side ni tim dito...ayaw kasi magkwento... pero wait lang...di ko gets...pano ka mat-torpe kung hindi mo pa nahahanap si sleeping beauty? eh shempre dapat may source ng ka-torpehan....hmmm...anung block kaya sha? aminin!!! hehe...basta tim, di na uso and torpe...yung mga ganyan, nahuhuli sa biyahe at naiiwan...sayang naman, ang hirap mag-hintay ng transpo tapos palalampasin mo lang...ewan..ang labo... --->aspe

10:22 PM

 
Blogger yomz said...

waah. naks naman nadine. OC. newaiz, kahit bangag ka, matino naman ung unang comments mo. i guess universal ung irony regarding friendship. bleh!

haay... may point ka dun sa late-late at asa attitude. i'll think about it. busit naman tong blogger walang reply to specific message.

5:22 AM

 
Blogger yomz said...

to aspe:
nyak. hindi ko naman ipinagpapalit ang team8. hehe. wala pa akong nahahanap na kapalit eh. at wala akong balak maghanap as for the moment. pero pag dumaan, why not grab the opportunity?

clarification. un nga, ung last statement ko, parang binawi ko lahat ng pinagsasabi ko. kaya di ko alam kung torpe ba ako o hindi ko pa lang tlaga nahahanap. hopefully, it's the latter.

hehe. i may be late, but i know i always get to my destination. ok nang mahuli, basta makarating. babalitaan ko na lang kayo pag nakarating na ako.

5:30 AM

 
Blogger yomz said...

to anonymous #1:
hmmm... kilala kita. di mo kc nilalagay pangalan mo eh sa comments eh, may account ka naman dito. (pinagalitan) hehe :D

yeah. thanks for the encouragements. i'll think about those things. yeah, welcome. at same thing, salamat din sa company at conversation kanina, pati kahapon. :)

5:33 AM

 
Anonymous Anonymous said...

ito ang mahirap sa bansang inimulat sa isang patriyarkal sa lipunan. ito ay tinatawag kong (gaya ng sabi sa aming partido pulitikal) na "culture of convention". ito ang kanser na pumapatay sa ating lipunan. hahayaan na lamang ba nating lamunin tayo ng buhay ng isang kulturang walang rasyonal na pruweba kung kaya't ipinagpapatuloy na natin ito? hindi ba't ang ideya ng isang progresibong lipunan ay ang pag-iwas sa linya ng konbensyon?

12:20 PM

 
Blogger yomz said...

to drawing:

prend. saludo ako sa iyong mga komento. tama ka sa patriyarkal na lipunan. bakit kaya? eto ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang pinas, at kaya maraming tao ang hunghang o istupido. hindi sila nag-iisip. sumusunod lang sila. minsan maganda nga ang ginagaya nila, pero hindi nila alam kung bakit nila ito ginagaya, kaya pangit pa rin sila. magmumukha lang silang basahan pag nagsuot sila ng damit ng isang modelo. konting "thinking out-of-the-box" lang naman ang kailangan eh. haay buhay

4:36 PM

 
Blogger aLLain said...

may kumento akom sa post mo...

tama ang mga sinabi mo.. kaya d ko n hahayaan n ang Friendship ang Humadlangs a aking mga balakin.. hayz...

I think it takes a lot of things para magawa ang bagay bagay n gnagawa sa panliligaw..

yomz, handa akong tumulong sa yo.. isang buzz away lang ako dati.. kaso ngaun kc.. cra PC ko e.. lolx...

nDL ko n pala ung extension... hayz.. buti n lng may PC ang mga kamag-anak ko hehe...



ABout dun pala sa Paghihintay... wak mo ng hintayin c Sleeping Beauty.. nabasa ko sa isang Libro.. (Brutal KC e) Pinahirapan n sya.. lolx.. at pinagmalupitan ng Prince na nakagcng sa knya.. hehe..

kulang lang minsan tayo sa mga hint... Hintay k lng ng Unti.. Ang mga ideal n naiisip ng mga tao ay unti unti ng nagiging realidad.. epekto kc ng pagkabata ang Pagiisip ng mga IDeal n BF or GF.. as maturity goes On... Nababago to n bilang isang IDEAL n lang.. magiging stick sa Reality cla.. hehe ^_^

2:57 AM

 
Blogger yomz said...

to allain:

asteg na kumento. makabuluhan, at magagamit. cge. nag-iipon pa kasi akong ng enerhiya para magtagumpay. malapit na malapit na... haaay... ideal vs reality. dun ako sa vs.

6:53 PM

 
Anonymous Anonymous said...

gaya nga ng isang artikulo ko sa aking blog, bakit hindi tayo mag-"deviate" sa kultura ng konbensyon? bakit hindi natin pagbaligtarin ang papel ng mga karakter sa iyong artikulo? hindi ata tama ang isang isang-dimensyonal na kultura. hindi ito progresibo. parating tayo ang nalulugi.

10:38 PM

 
Anonymous Anonymous said...

NAINGGIT AKO SA MAHAHABANG COMMENTS. AKO RIN NGA...

ITO YUNG ISANG PART (AYOKO NA ILAGAY LAHAT. ANG HABA EH) NGFRIENDSTER HOROSCOPE KO NGAYONG ARAW, AT NAPAISIP AKO:

"You have enough room in that heart for not just those you love, but for anyone who needs you -- or needs anyone, for that matter. Your mission now is to help those in that latter category to find what they're after without feeling obligated to provide it yourself. In other words, don't try to be what they need to make them feel happy. Direct them toward it instead.

SO YON... I GUESS WHAT I'M TRYING TO SAY IS, IF YOU NEED HELP OR WHATEVER, I'M HERE. (CHARING! HAHA!) NO SERIOUSLY. I SHOULD'VE BEEN A GUIDANCE COUNSELOR OR A PSYCHOLOGIST KASI I LOVE LISTENING TO OTHERS' PROBLEMS AND TRYING TO HELP THEM OUT. SO IF YOU NEED ADVICE WITH WHATEVER, I'M JUST A BLOG OR BLOCK (LITERAL) AWAY. PERO... KAILANGAN MO PA BA NG ADVICE? KASI MASYADO KANG MATALINO, BAKA KAYA MO NA YAN. PERO IT HELPS TO TALK TO OTHERS. =) ALL YOU HAVE TO DO IS FIND SOMEONE WHO DOESN'T JUST HEAR YOU, BUT SOMEONE WHO REALLY LISTENS.

ITO NA YUNG PART NA DAPAT SA "ADD A TESTIMONIAL" NALANG NILALAGAY. PERO TSAKA NA YUN. DITO MUNA.

may namigay sa barangay namin ng confidence, kaso katutulog, nasa huli na ako ng pila.
---I THINK YOU HAVE WHAT IT TAKES TO BE CONFIDENT. MASYADO KA KASING HUMBLE KAYA SIGURO HINDI MO NAPAPANSIN NA MERON KA PALANG MGA "AMAZING ATTRIBUTES" (AT AYOKO NANG ISA-ISAHIN BAKA MA-ISSUE TAYO. HAHA! JOKE!). KAYA WAG KANG MAHIYANG MAGPAKITANG-GILAS. (ANO 'TO, STARSTRUCK?!) IF YOU START DOUBTING THAT YOU'VE GOT SOMETHING SPECIAL IN YOU, IT'S PROBABLY BECAUSE YOU FEEL THAT NO ONE NOTICES THEM. PROBLEMA NA NG BABAE YON...BULAG SIYA. PERO YOU NEVER KNOW, DIBA? HINDI MO LANG ALAM, MAYBE THERE *IS* SOMEONE OUT THERE WHO NOTICES AND PAYS ATTENTION. HINDI NAMAN NATIN ALAM YUNG MGA GANYANG BAGAY. BASTA, ANG POINT KO IS, IF YOUR FEELINGS AREN'T RECIPROCATED, IT'S NOT BECAUSE THERE'S SOMETHING WRONG WITH YOU. GETS? IT'S JUST THAT YOU HAVEN'T FOUND THE "RIGHT ONE" YET.

NAKU... ANO YANG "RIGHT ONE" NA YAN?! I REALLY WISH NA WHEN YOU FINALLY MUSTER UP THE COURAGE TO "MAKE THE MOVE" (FOR THE LACK OF A BETTER TERM), EVERYTHING GOES WELL BETWEEN THE 2 OF YOU. BUT WHAT IF IT DOESN'T? SUSKO... TRAUMATIC YAN! BAD 1ST EXPERIENCE! PERO DON'T GET DISCOURAGED... KADIRI, ALAM KONG NAPAKA-CLICHE NA NITO PERO SABI NILA TALAGANG INEVITABLE DAW NA MAHULOG ANG LOOB MO SA "MALING TAO" NG SANDAMAKMAK NA BESES, YUNG TIPONG MINSAN MAPAPA-"WHY GOD???" KA NALANG. JUST DON'T EXPECT EVERYTHING TO BE SMOOTH SAILING PARA HINDI KA MA-DISAPPOINT. IF THINGS DON'T GO WELL THE FIRST TIME, DON'T WORRY. I TRULY BELIEVE NA GOD HAS SOMEONE "RIGHT" FOR US. AND SOMETIMES, IT TAKES A LOT OF HEARTACHES AND SUFFERINGS TO GET TO THAT PERSON, BUT WHEN YOU FINALLY DO, YOU'LL KNOW THAT SHE'S WORTH IT.

SIGURO HINDI KA NGA NAMAN TALAGA TORPE. NAGHAHANAP KA LANG NG TAMANG TIMING AT TAMANG PAGKAKATAON. OKAY YAN... PATIENCE IS A VIRTUE, IKA NGA. DON'T LET OTHERS PRESSURE YOU INTO DOING SOMETHING YOU'RE NOT SURE YOU'RE READY FOR. DO IT IN YOUR OWN TIME. IKAW LANG MAY ALAM KUNG KELAN YON.

sa aking karanasan, may tatlong kadahilanan:
Idealism - (e.g. gusto ko ganito maganda, matalino, blah blah)

---TIP: DON'T SET STANDARDS. MINSAN MAGUGULAT KA NALANG NA BIGLA KANG MAGKAKAGUSTO SA TAONG HINDI MO NAMAN "TYPE". TAPOS HABANG TUMATAGAL, DUN MO NALANG MA-REREALIZE NA "AY PUTEK... SHE'S EXACTLY WHAT I NEED PALA!" (PALA...OOH SO CONYO HUH)

Pride - (e.g. hindi ako manghahabol, ako ang hahabulin)
---HAY NAKO, GOODLUCK NOH! HAHA... ANONG TINGIN MO SA BABAE, WALA RING PRIDE? SYEMPRE SILA RIN INIISIP NILA YAN, NA SADYANG NILIKHA SILA PARA HABULIN AT HINDI MAGHABOL. (WHAT'S WITH "NILA"? PARANG HINDI AKO BABAE, NAPAKA-DETACHED KO HAHA!) HINDI NAMAN KAILANGANG IKAW ANG GUMAWA NG LAHAT PERO MAS MAGANDA KUNG IKAW YUNG MAG-IINITIATE KAHIT PAPANO. KAHIT "BABY STEPS" LANG. THEN MAYBE THE GIRL CAN MEET YOU HALFWAY. PAG MASYADONG PAKIPOT, BATUKAN MO TAPOS SABIHIN MO "KUNWARI KA PA, GUSTONG GUSTO MO NAMAN!!!" HAHA JOKE LANG

Katorpehan - (e.g. ...*blushes*)
---SIGURO HINDI KA NGA NAMAN TALAGA TORPE. NAGHAHANAP KA LANG NG TAMANG TIMING AT TAMANG PAGKAKATAON. OKAY YAN... PATIENCE IS A VIRTUE, IKA NGA. DON'T LET OTHERS PRESSURE YOU INTO DOING SOMETHING YOU'RE NOT SURE YOU'RE READY FOR. DO IT IN YOUR OWN TIME. IKAW LANG MAY ALAM KUNG KELAN YON. MAGDASAL KA PARA LALO KANG MA-ENLIGHTEN.

YAN... MEDYO MAHABA NA. HINDI NA AKO NAIINGGIT SA IBA. HAHA... ACTUALLY MAS MAHABA NA NGA YATA YUNG COMMENT KO KAYSA SA ENTRY MO EH... SO ETO MUNA SA NGAYON AT GAGAWA PA AKO NG COMM SOC PAPER.

GOOD LUCK SA IYONG PAGHAHANAP KAY SLEEPING BEAUTY. PAGDASAL MONG SANA MAHANAP KO NA RIN SI BEAST. (AKO SI BEAUTY. WAHA! JOKE LANG. NAHAHAWA NA AKO SA KA-CORNY-HAN NI ANGEL)

10:42 PM

 
Anonymous Anonymous said...

SORRY OC ULI... MAY NAULIT AKONG PART. SORRY! HEHE

10:47 PM

 
Blogger yomz said...

to drawing:

yeah. it's good to deviate, no... it is not just good... it is even for the better, if not for the best. problema lang kc sa kultura gaya ng nasabi mo, ay ang maaaring:
1.) takot sa pagbabago, sa hindi tiyak na kinabukasan
2.) ayaw umalis sa comfort zone

expound ko cguro yan on my next entry, related to creativity. creative mga pinoy eh, maraming hindi takot maging creative, wala lang tlagang sumusuporta sa kanila. tsk tsk. kaya usong-uso ang brain drain eh.

11:30 PM

 
Anonymous Anonymous said...

kaibigan:

similar kami ni joedz sa pananaw tungkol sa kulturang iyan. nabatid niya sa akin na "naaawa na siya sa mga lalaki dahil mas mahirap silang maging ipit." basta sa ganintong konteksto.

12:35 AM

 
Blogger yomz said...

to nadine:

tama. ang haba nga ng entry mo. or i could say, ung mga comments dito, mga blog entry na rin. ikaw lang ung may pinakamahaba.

in fairness, marami akong natutunan sa mga reply. may mga malalim na kaalaman. maraming nagmamalasakit.

yey. magkaka-testimonial ako from nadine. pero for the mean time, asteeg ang sermon mo sa akin. parang ulirang ina. syempre, salamat din sa encouragements. ur pretty swell for a new friend. mabuhay ka nadine!!!

2:00 AM

 
Blogger Unknown said...

comment on this
"pag parehong pangit, meant to be rin."
pag parehong pangit - no choice hehehehe

tama! magastos magkaron ng gf

2:30 PM

 
Blogger yomz said...

to eph:

onga no. tama yan! :D

3:48 PM

 
Blogger aLLain said...

CAREER MODE On.. lolx..

8:10 PM

 
Anonymous Anonymous said...

This comment has been removed by a blog administrator.

9:03 PM

 
Blogger yomz said...

This comment has been removed by a blog administrator.

11:16 PM

 
Blogger yomz said...

to allain:

CAREER MODE on...

certainly. tumpak!

11:44 PM

 
Blogger yomz said...

naging forum na ang aking entry! aklasan!!!

11:46 PM

 
Anonymous Anonymous said...

yomz:

1) and 2) are pretty much not important. hehe.

girls arent in a box anymore. sus ko, may mga nanliligaw nga jan eh! i wouldnt go that far, pero point ko lang eh yun nga. sa ngayon, wla na lahat ang pressure sa inyo, at hndi lahat ng babae naghihintay. they make things happen! :)

sa mga hintayan/pakiramdamang ganyan, hndi mo na rin masasabi. marami jan torpeng babae at pakipot na lalaki.

kung babalik tayo sa "conventional" na patriarchal culture, kung iaassume natin na lahat tayo bulag na sumusunod sa bobo at irasyonal na kultura, hndi ba mas hirap para sa babae? dahil nga wla syang mgagawa kung hindi "maghintay." habang kayo pwde nyo gawin lahat, like manligaw. oo, naiintindihan ko ung "pressure", pero at least kayo mraming alternatives or approaches sa panliligaw, while ung babae, aagnasin nlang kakahintay. at pag wlang dumating? kawawa dba. pwde syang mag-drop ng hints o signs, pero may mga lalaki tlgang sobrang manhid. o kaya nagpapakamanhid. parang in denial pa tlga. kakafrustrate yung ganun. kakabigay mo ng signs, depende sa magnitude ng signs, eh in the end halos babae na rin ang nanligaw!:p

sbihin man nating modern na ngayon, pag nanligaw ang isang babae, its either cute or cheap. minsan ang pananaw depende sa edad. para sa iba, sweet at "cute" pag babae nanligaw. pero yung mga nkakatanda, sasabihin nila, baliktad na ang mundo, babae na ang naghahabol. sasabihin, para ka nmang mauubusan ng lalaki nyan. traditional at conservative na pananaw, pero relatively conservative society pa rin tayo.
at aminin man natin o hndi, takot tayong lahat [babae o lalaki] na mahusgahan ng society. kaya hndi lhat ng babae "nangangahas" na i-contradict yang culture of convention.

hndi rin nman masisisi yang katorpehan at pagiging pakipot sa isang bobong kultura at irasyonal LAMANG. in the first place, sino ba ang pangunahing bumubuo ng kultura? tao rin nman. taong bobo at irasyonal.

problema, hndi nman lahat ng tao gusto ng pagbabago. hndi lahat kayang magbago, kahit gusto nila. mahina ang loob, takot, ewan. whatever.

tnamad na ko bigla magtype. hehe. un lang.

7:35 AM

 
Anonymous Anonymous said...

the only solution is to destroy the past and present generations to eradicate the stupid culture that mercilessly eats the society.

10:26 AM

 
Blogger yomz said...

to drawing:

destroy is a strong term. i wish we live in a more slow-paced lifestyle... dunno... but i think it would help...

7:44 PM

 
Anonymous Anonymous said...

blame it on the cultural and industrial revolution. hehehe.

8:32 PM

 
Anonymous Anonymous said...

hay naku, sa panahon kasi ngaun, ang hirap na makahanap ng lalaking seryoso magmahal, yung hindi nakikipaglaro, yung gusto talaga ang babae at may paggalang.. kasi nga, nakatago sila sa maskara ng isang torpe.
sabi nga sa philo namin, ang pakikipagtagpo/pakiki-ugnay sa tao ay isang lapit-layo.. ibig sabihin, sa pagkaakit (not in the seduced sense) natin sa isang tao, nare-realize natin na andami palang dapat malaman at makilala sa kanya. na ok siya, interesting kung baga.. at sa paglapit natin (o sa ingles ay pagiging "close"), matutuklasan din natin na may hiwaga pala siya, at kalaliman na parang "at awe" tuloy tayo.. kung kaya't may mapitagang pag-urong tayong nararanasan..
at dahil na rin sa aking mga pakikisalamuha sa mga torpe, alam kong ganito lang din ang kanilang nararanasan..
pero para sa akin, sayang kasi yung mga ok na guys pa ang torpe eh!!! im sure yomz kung may guts ka lang talaga na mag-risk nga, andami mo na sanang naging girlfriend.. kaya lang gentleman ka kasi eh..
at isa pang point yan, at kahit ako rin pinagninilayan ko, bakit nga kaya ang hirap piliin ng lovelife sa friendship? ako kahit na nakagawa na ako ng isang reflection paper on love and friendship at nako-conclude ko pa na friendship at love works hand-in-hand, hindi ko pa rin ma-gamble ang friendship over lovelife.. well, just a thought..
oops napahaba din, na-carried away hehe

9:07 PM

 
Blogger yomz said...

to sayama:

salamat sa comment boss danes! :D grabe, namiss ko ang tropa natin. kaya boss ka namin eh, you really give good insights. nakakatuwa, hindi pa na-raise ung ibang insights na na-raise mo. nakakataba ng puso ang post mo. dunno if what you've said applies to me, let people be the judge. meron bang considerable doubt?

ang galing ng insight with regard to "lapit-layo". ang galing. it really makes sense. i love philo.

tama ka nga na ung mga ok na guys ay usually torpe. paradox talaga. kc ung mga na-encounter ko namang mga gals, ung katorpehan ang ayaw nila. haay. ika ng Hungry Young Poets, "ayoko ng torpe. pero gusto kita." sana mahanap ko na sya. o nahanap ko na ba? noone knows. kahit ako di ko alam eh.

pero alam mo, nagpapasalamat din ako na torpe ako. cge na. self-confessed. pero to make my point, at least i never had any GF, which ultimately makes me excited having one, which i could really cherish. bahala na kung masaktan. haaay... time to move on... time to move on.

ayos nga mahabang comment eh. usap tayo minsan phone boss ha! :) mabuhay ka!!!

9:47 PM

 
Anonymous Anonymous said...

ika nga sa pelikula ni ashton kutcher at amanda peet (nakalimutan ko ang pamagat), sa ganitong konteksto: a good romance can destroy friendship. basta ganun.

1:44 PM

 
Anonymous Anonymous said...

and by the way, philosophy brings my mind into serious, oil-pumping action.

sabi ng aking maestro sa "moral theology", mayroong dalawang uri ng pagkakaibigan: ang unibersal at romantiko. ang problema nga lang, kadalasan, hindi sabay napupunta sa latter. and it is the sick reality.

1:47 PM

 
Blogger yomz said...

to drawing:

mahirap tlaga i-reconcile yang dalawa. ideally: from friendship --> to love. ewan ko ba. di ko na alam. i-review ko muna ung "The Four Loves" ni C.S. Lewis.

5:56 PM

 
Anonymous Anonymous said...

NATUWA AKONG MAGBASA DITO AT INIISIP KO KUNG HANGGANG NGAYON TORPE KAPADIN :)

8:37 PM

 
Anonymous Anonymous said...

Natuwa akong magbasa dito at iniisip ko kung hanggang ngayon torpe kapadin :D

8:40 PM

 

Post a Comment

<< Home