http://www.makepovertyhistory.org the shadow laboratory: Bilog ang Buwan... Puro Kalokohan


Friday, July 22, 2005

Bilog ang Buwan... Puro Kalokohan

ano ba ang meron sa bilog? bakit pag bilog ang buwan, sinasabing puro kalokohan ang mga tao? bakit pag sinasabing binata ka na pag bilog na ang iyong utot? hmmm... bilog. bakit boxing ring ang tawag pero hindi naman ito bilog? bilog ba ang pinanggalingan ng sumisikat na mga blog? hindi ko alam kung bakit bilog ang topic ng entry ko ngayon. siguro naisip ko na ang bilog ay kumakatawan sa tuluy-tuloy na pag-ikot ng buhay, minsan masaya minsan malungkot. umiikot. parang katanungan na manok-itlog (chicken and egg question). hindi mo matukoy kung ano ang nauna. ewan ko. pero sinabi kasi kanina ng kagrupo kong si Kate na bilog ang buwan, kaya pala makulit ang grupo namin. haaay... ayun, naalala ko na. bilog ang buwan = puro kalokohan

Kalokohan # 1: The more entries you send, the more chances of winning

May nagbigay sa amin ng brochures kanina. wala namang interesado. kaya pinasa namin sa iba naming kamag-aral. pero paano namin sila makukumbinsi? ewan ko, pero bigla ko na lang sinabi na: "kailangan mo yan. the more entries you send, the more chances of winning." hindi naman ito contest o raffle. brochure lang para sa review center. hmmm... naisip ko. paano kung ang mga application form ng anumang institusyon ay may ganitong pamamaraan? tipong, "gusto ko makapasa sa college na iyon! magpapasa ako ng 10 application forms. the more applications you send, the more chances of getting accepted." isang malaking kalokohan.

Kalokohan # 2: Mga Taong Walang Isang Salita

ung klase namin kanina. "Don't read your book! Explain in your own words" ika ng guro. Wala siyang isang salita. ayaw nyang magpabasa, basa naman sya ng basa at hindi namin maintindihan sa bilis. gusto nya ipaliwanag namin sa aming sariling salita ang aming binasa, pero gaya ng aking nasambit kanina, basa lang siya ng basa. parang kausap nya ung pader. mayroon talagang mga guro na walang salita. tipong, ayaw ng guro ang mga nale-late. pero sya naman ay once a month kung pumasok. busit na kalbo un. kalbo masamang tao. hence, i will dedicate a whole entry just for him. meron talagang mga klase na ayaw mong matuloy. kapag nasa silid ka na, nanalangin ka na lang: sana may bumagsak na cometa; sana may dumating na UFO at kunin sya; sana may pumasok na lasing sa klase at sumigaw na "Itigil ang klaseng ito!!! Ito ay isang malaking kalokohan!!!" at kami ay magpapalakpakan.

Kalokohan # 3: Ang Blog ni Yomz

Axilla Force. Why I Hate Swimming. Torpe Entries. ang blog ni yomz. isang malaking kalokohan.


Food for thought:
"Poems are made by fools like me. But only God can make a tree."
- excerpt from Tree by Joyce Kilmer

12 Comments:

Anonymous Anonymous said...

yomz...bilog pa ba ang buwan? tila nababaliw ka na...hahaha!!! nakakatawa yung entry!!! oo nga, bilog nga ang buwan kaya binunot ko yung sarili kong pangalan para mag-recite...at shempre, hindi ako naka-aral dahil may sakit ako... tama ka sa 3 points mo...at dapat sinulat mo rin dun yung "im sorry i love you" drama sa likod... haha!!! tama, yung kalbo na yun.. gusto ko pa lalo kalbuhin... hindi naman kalokohan yung blog mo... realidad toh...totoong buhay.. totoong timothy....--->aspe

9:01 PM

 
Blogger yomz said...

hindi ako nababaliw. kailangan lang ng kakaibang outlet. wag na ung koreanobela na un.

isa lang masasabi ko...

THE TRUTH HURTS... and it is not all negative

6:27 PM

 
Anonymous Anonymous said...

haha... masyadong d makatotohanan ang mga koranovela is u put reality in d mix...

12:40 PM

 
Anonymous Anonymous said...

wrong type pa... if pala ndi is.. HAHA

12:43 PM

 
Blogger yomz said...

to allain:

oo nga. kaya dapat alam mo kung ano ang totoo at realidad. kung kelan ang pangarap maging katotohanan, at ang katotohanan ay hanggang pangarap lamang.

1:06 PM

 
Blogger karlatots said...

Dagdag ko lang sa mga "kalokohan":
Di mo gustong lumangoy pero mas gusto mong sumakay ng barko kesa sa eroplano... Di ko pa rin ito maintindihan at posibleng di ko na sya maiintindihan habang buhay. Pro ok lang... Ganon talaga eh. Ganon naman palagi... drama drama drama.. Nahahawa na ko sa'yo. (hehe.. dyok)

4:10 PM

 
Anonymous Anonymous said...

wow... naintindihan ko mga sinsabi mo yomz.. HAHA...

6:57 PM

 
Blogger yomz said...

to karla:

hahaha! nahawa ka na sa pagdadrama ko. di na nga ako nagdrama nung isang araw eh.

di ko nga gusto lumangoy. pero kaya nga gusto ko magbarko, kc ayoko lumangoy. syempre optimistic ako na hindi lulubog ang barko. ang eroplano naman pag nagparachute ka o nagcrash, mas mataas ang probability na sa dagat ka rin bumagsak. defensive ba ako?

9:59 PM

 
Blogger yomz said...

to allain:

tama!

10:18 PM

 
Blogger aLLain said...

kala ko kaya gusto mo sa barko dahil mas masarap ang nakikita sa barko kesa sa Eroplano n confined ka lang sa Loob ng Airplane at mga katabi mo...


By adventurist view, mas enjoy ang barko.. due to many things that u can see... HAHA

10:34 PM

 
Blogger yomz said...

to allain:

oo ganyan din reason ko kaya gusto ko magbarko. pero related sa swimming, ung nabanggit ko kanina ung reasons.

pero kaya kc gusto ko barko, lagi kaming magkakasama ng pinsan ko. para kaming naka-Hotel ng 3 araw. sarap maglibot. maganda ang scenery. syempre adventurer ako! actually barkada natin adventurer eh. mahilig gumala.

11:25 PM

 
Blogger aLLain said...

ye.. likas taung mga GALA

8:16 PM

 

Post a Comment

<< Home